Thursday, January 30, 2020

Ang Pag-ibig sa Iba't Ibang Paraan



     Dto sa mundo maraming nagmamahal. Ang pagmamahal na ito ay iba-iba, maaring pagmamahal sa magulang, pagmamahal sa kaibigan, pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa isang tao na makakasama mo sa buhay.                                                                                                                                                                        
          
     Unahin muna natin ang pag-ibig sa mga magulang. Alam naman natin na ang ating mga magulang natin ang unang nagturo sa atin ng mga bagay-bagay mula sa paglalakad, pagbigkas ng salita at marami pang iba. Noong mga sanggol pa tayo lagi silang napupuyat kapag umiiyak tayo tuwing madaling araw. Hanggang sa paglaki natin binubuhos nila ang kanilang makakaya para mapalaki tayo ng maayus. Ang tanging magagawa nalang muna natin ngayon ay ipakita ang pagmamahal natin sa kanila dahil tayo’y nag-aaral pa lamang ngayon. Peru ipinapangako ko sa aking mga magulang na gagawin ko ang aking makakaya upang makapag tapos, makahanap ng magandang trabaho para masuklian ang mga paghihirap na ginawa nila sakin. Ako sa sarili ko nahihiya akong sabihin na mahal ko sila kaya pinapakita ko nalang sa pamamagitan ng simpleng pagyakap sa kanila para kahit papano matuwa naman sila at mabawasan ang kanilang pagod sa pagtatrabaho. Tinutulungan ko din sila sa mga gawaing bahay para kunti nalang ang gagawin nila at para din mas mahaba ang kanilang pagpapahinga. Ganito ko ipinapakita ang pagmamahal ko sa aking mga magulang. Simple lang ang buhay naming pero masaya.                                                                                                                  
                                                              
     Ang ikalawa naman ay ang pagmamahal sa kaibigan. Kaibigan sila ang laging nanjan kapag may problema tayo, mas madaling malalapitan. Sa halip na sa mga magulang tayo lumapit ay mas pinipili natin sa mga kaibigan dahil mas maikukwento natin ng maayus at malinaw kaysa sa mga magulang. Dahil kapag sa magulang nahihiya tayong lumapit sa kanila. Ang kaibigan din ang kasama natin sa saya, at sa lungkot. Mag aaway man pero magkakaayos pa din kasi dun mo makikita kung tunay ang kaibigan mo sayo. Ang tunay na kaibigan hindi ka iiwan sa mga panahong gipit ka at madami kang problema. Kapag ang isang kaibigan lumapit lang sayo kapag may kailangan at kapag wala na hindi ka na kilala ulit kapag ikaw ang nangailangan panigurado peke yan. Mahirap na rin maghanap ng tunay na kaibigan ngayon kasi ang iba hindi mo alam sinisiraan kana pala. Kaya ako ayos lang sakin kahit kunti ang kaibigan ko basta totoo. Mapang asar akong kaibigan pero totoo naman ako. Sa pagiging makulit ko at mapang asar sa kanila doon ko pinapakita ang pagmamahal ko sa isang kaibigan. Ang mawalan ng isang tunay na kaibigan ay isang malaking kawalan kasi sa loob ng ilang taon na pagsasama mahirap iyon para sakin kaya anu man ang mangyari hinding hindi ko iiwan ang mga tunay kong kaibigan.                            
 
     Ang pangatlo naman ay pagmamahal sa Diyos. Siya ang natatangi at nag iisa nating tagapagligtas ang lumikha ng lahat ng narito sa mundo. Kahit na gaano kalaki ang nagagawa nating pagkakasala sa kanya handa niya pa rin tayong patawarin dahil alam niya na pinagsisisihan natin ito. Siya ang nagturo satin kung gaano kahalaga ang buhay na dapat magmahalan lang tayo walang away at walang gulo. Gusto niya ang tanging manaig ay ang pagmamahalan sa bawat isa. Sa lahat ng problema natin sa buhay may Diyos tayong malalapitan mabigat man na problema ito o magaan nanjan siya palagi. Hinding hindi niya tayo iiwan. Sa paraang iyan ipinapakita ng ating panginoon ang pagmamahal nya sa atin, sa kanyang mga inilikha. Ipinapakita ko ang pagmamahal ko sa Diyos sa pamamagitan ng pagtulong sa iba. Ang misyon ko ay ang maglingkod sa kanya at mahalin siya. Ganyan ko kamahal ang Diyos.                                                                                                                
 
     Ang huli ay ang pagmamahal sa isang taong makakasama mo habang buhay. Sa panahon ngayon lalo na ang mga kabataan ay gustong gusto ito. Maraming kabataan ang nais magkaroon ng girlfriend/boyfriend. Dito sa pagmamahal na ito maraming nasasaktan lalo na ang mga kabataan. Dahil ang pag-ibig nila sa isang tao ay lubos at ibinibigay nila lahat para sa kanilang minamahal. Marami mang ibat ibang klase ng pagmamahal sa mundo ang importante nagmamahalan ang bawat isa para mapayapang bansa. Ito ang ibat ibang uri ng pag-ibig. 



Thursday, November 14, 2019

About My Self

   
I'm Jeffrey Ferraro Casipit living in Tondol Anda Pangasinan. I was born in Tondol Anda Pangasinan. My father's name was Garry Casipit and my mother's name was Florivic Casipit. I am a senior in high school. Some people can agree that I am a good student. My favorite subjects are media&information technology and biology because this both subjects are very interesting to me. I am not sure if I am going to enter in the university because my problem is lack of money but I will try my best to enter in the university because my goal is to study these subjects in future and to become a respected professional in one of the fields.
     I can say that I am a responsible and hard-working student. Being a sociable person, I have many friends since I like to communicate with people and get to know now interesting individuals. It is really nitlce to study, the students are very friendly and ready to help. As soon as I meet now people who are happy to meet me, I feel comfortable with them. I believe that friendship is one of the most important values in human life. We exchange new ideas, find many interesting things about each other and experience new things. I appreciate friendship and people who sorround me.

Tuesday, January 15, 2019

Ang Bagong Simula

         Sa mga bawat taon maraming nagbabago. Tulad nalang ng mga bagay-bagay sa ating paligid. Inaasahan ko ngayong 2019 ay magkaroon ako ng mas maraming kaibigan na handang damayan ako sa lahat ng problema ko. Inaamin kong maraming masasakit na nangyari sa 2018 ko pero ngayong 2019 gagawin ko itong masaya at makabuluhang taon ng buhay ko. Inaasahan ko rin na matitigil na ang pagkalat ng droga para maiwasan na ang patayan at kung anu-anu pa. Wala nang alitan, inggitan sa bawat isa. Ang tanging mananaig ay pagmamahalan. Sana maging malinis na ang ating wla nang kahit anung polusyon. Sana maging masaya ang 2019 natin ngayon.